Note to Myself
- Glenda Pedronan
- Jul 25, 2019
- 1 min read
Updated: Jan 29, 2020
Hindi madali ang daan tungo sa tagumpay.
Kaya kung nahihirapan ka man ngayon
Ibig sabihin nun balang araw magiging matagumpay ka din
Kapit ka lang, huwag kang bibitaw
Kung sa palagay mo hindi mo na kaya
Isipin mo na kaya pa, laban pa
Isipin mo na malapit nalang to
Kahit ang totoo hindi po ba nakikita ang dulo
Kahit hindi mo alam kung anong meron sa gitna ng laban mo
Kahit hindi mo alam kung ilan pang bagyo ang dadaan para makamit mo ang tagumpay
Manalig ka, hindi lang para sa sarili mo kundi pati sa pangarap, pamilya at higit sa lahat sa dios ng mga dios Panginoong Jesukristo na pinakamakapangyarihan sa lahat.
Dahil sa kanya walang imposible, sa bawat laban na hinaharap mo kasama mo siya
Hindi mo man siya nakikita, ni nahahawakan basta manalig ka nasa tabi mo lang siya
Sa bawat laban mo sa buhay, pinaglalaban ka din niya kaya huwag kang mawalan ng pag-asa.
Recent Posts
See AllLife is full of surprises Who knows this day come? A pandemic arises And everyone stays at home For some it's a meditation For others...
Comments