top of page

CAPtain ♥

Updated: Jun 5, 2024




Buwan ng Hulyo ng una kitang nakilala

at agosto na ng unang magkita

Hindi inasahan sunod na pangyayari

Naging malapit sa isa't isa walang atubili

Para nga bang matagal ng magkakilala

Hindi alintana kung ilang buwan palang mula

ng tayo'y nagkasama

At sa pangalawang pagkikita

Puso ko'y iyong nabihag na

Salamat mahal ko hindi ka sumuko

Kahit na palagi kong sinasabi na tagal pa maging tayo

Kahit na siguro ika'y nasasaktan na sa bawat bigkas ko

Nang mga katagang saka na, sa susunod nalang at sa sikretong malupit ko

Ang sikreto sa sikretong malupit na aking binibigkas

Ay hindi ko maipaliwanag na saya na hindi kayang aminin

O hindi kayang bigkasin ng aking labi pero

kumakawala sa aking puso

Sadya ngang kapag tinadhana walang makakapigil

Walang malayo o matagal sa taong puso ang sumisikil

Sa damdamin na pilit tinatago aking nasambit

Mahal Kita CAPtain ng buhay ko at hindi ito pilit

Ika labing siyam ng Septiembre

Kusa ng lumabas sa bibig ko

Ang laman ng aking puso

Mahal kita hindi na yun magbabago

Sa mga araw, buwan at taon na darating

Mahal ko sana hindi ka magsasawa o manlalamig sa akin

Mahaba-haba pa at marami pang pagsubok ang dadanasin

Ngunit hangad ko na hawak kamay natin itong haharapin.


 
 
 

Recent Posts

See All
Until when

Life is full of surprises Who knows this day come? A pandemic arises And everyone stays at home For some it's a meditation For others...

 
 
 

Comments


©2018 Glenda Pedronan
Proudly created with Wix.com

© Copyright
bottom of page