top of page

Panaginip-Magkayakap

Titig na titig ka sa aking mukha

Ngiti’y diko mapigilan ng aking mawari

Nagkita tayo ulit, ika’y nagbabalik


Habang ramdam ko ang antok at pagtataka'y aking nakatulugan

Ngunit nagising ang diwa ko ng may marinig akong parang tibok ng puso

Hindi ako makapaniwala ng aking mapagtanto

Kayakap ka at nakaunan sa dibdib mo


Hindi ako gumalaw nanatiling pikit ang aking mga mata

Pinapakinggan ko bawat tibok ng puso mong parang musika

Ang sarap sa pakiramdam na kayakap ka

Habang hinahawi mo ang buhok na dumadampi sa pisngi ko

Dulot nito'y ligaya


Gusto kong imulat ang aking mga mata

Dahil sa sobrang sayang nadarama

Ayaw kong maglaho kung ano mang meron tayo

Ayaw kong mawala kung paano mo ako titigan

Gusto kong makita sayong mga mata ang sobra mong pagmamahal

Gusto kong manatili tayo sa ganoong sitwasyong

Magkasama, ramdam ang pagmamahal sa isa't isa

Ayaw kong bumitaw, ayaw kong gumalaw kaso...


May kaso, dahil unti unti ko ng nararamdaman

Na hindi ko na naririnig ang tibok ng puso mo

at hindi ko na ramdam ang mga yakap mo

Hindi ko na rin maaninag ang mukha mo

Ayaw kong gumalaw pero sinasaktan ako ng reyalidad na

Isang alaala nalang ang lahat at kailangan kong tanggapin

Dahil ang totoo ang lahat ng pangyayari

ay nasa panaginip ko lang pala at kailangan ko ng gumising





 
 
 

Recent Posts

See All
Until when

Life is full of surprises Who knows this day come? A pandemic arises And everyone stays at home For some it's a meditation For others...

 
 
 

Comments


©2018 Glenda Pedronan
Proudly created with Wix.com

© Copyright
bottom of page