Search
Panaginip-Hawak Kamay
- Glenda Pedronan
- Jan 31, 2020
- 1 min read
Magkahawak ang ating kamay
Halos ayaw kong bitawan
Hindi makapaniwalang kasama ko'y ikaw
Napakasarap sa pakiramdam ngiti'y hindi mapakawalan
Ngunit dumating ang liwanag
Liwanag na sumilaw sa aking mata
Hanggang sa hindi ko na maramdaman
Mga kamay mong kanina hawak ko pa
Panaginip! Oo panaginip lang pala
Ang makasama ka ako'y nagtataka
Sayang dulot mo hindi mawala
Kailan mauulit, darating pa kaya?
Sana! Sana! nabanggit ko nalang
habang nakatulala
Isa dalawa tatlo apat
Kaya kong bilangin kahit anung numero
Ngunit ang muli mong pagbabalik
Hindi ko masisigurado

Recent Posts
See AllLife is full of surprises Who knows this day come? A pandemic arises And everyone stays at home For some it's a meditation For others...
Comentários