top of page

Paalam Mahal

Paalam na sa kahapong labis kitang minahal

Paalam na sa kahapong labis akong nasasaktan

Paalam na sa mga ala-alang lagi kong binabalik-balikan

At Paalam na sa mga pangakong ikaw lang at ako, walang iwanan

Pagkat dumating na ang araw na kaya ko ng pakawalan

Mga ala-alang pilit ginagawang dahilan para manatili lang

Sa kahapong matagal ko na dapat kinalimutan

Pero lahat nga ay may hangganan

Kaya Paalam, ngayong kaya na kitang bitawan

Ngunit bago ko man tuldukan ang ating kwento

Isang hirit lang pagbigyan mo na ako

sapat na bang dahilan na Mahal kita

kaya sinaktan mo ?

Oh sadyang wala kang pakealam

Kaya kahit umalis ka ng walang paalam

Normal lang sayo?

Salamat naging bahagi ka ng aking kwento

Salamat sa mga pahinang nagugol mo sa libro ng buhay ko

Salamat sa mga aral na mapupulot dahil sa dulot mo

At Salamat dahil natuto akong magmahal, maghintay at magsakripisyo Mahal ko


 
 
 

Recent Posts

See All
Until when

Life is full of surprises Who knows this day come? A pandemic arises And everyone stays at home For some it's a meditation For others...

 
 
 

Comments


©2018 Glenda Pedronan
Proudly created with Wix.com

© Copyright
bottom of page