top of page

Kusa kitang mahal

Updated: Jan 31, 2020

Ayaw kong pag-aralan,

kasi gusto ko kusa

kusa kong maramdaman

hindi yung dahil sa sinabi mo o ng iba

kaya kung sinabi ko sayo ang mga katagang

"Mahal kita" huwag ka ng magtanong ng

bakit, kailan at paano?

Basta Mahal kita.

Dapat mong paniwalaan

pagkat ang pusong nagmamahal hindi nagsisinungaling

masaktan man ng paulit-ulit

hinding hindi magsasawang mahalin ka

kasi totoo at kusa kong naramdaman

hindi ko pinag-aralan, hindi ko dinaya

dahil kung lolokohin man kita

una kong lolokohin ang sarili ko

kaya huwag mong isiping pinaglalaruan ko lang ang damdamin mo

pagkat hindi ko hangad paglaruan ang nararamdaman ko

kung masasaktan ka, mas masasaktan ako

kaya please lang minsan ko lang sabihin

ang salitang "Mahal kita" kaya itatak mo yan sa puso mo

hindi sa isip mo kasi kung makalimutan man ako ng isip mo

hinding hindi ako makalimutan ng puso mo.


 
 
 

Recent Posts

See All
Until when

Life is full of surprises Who knows this day come? A pandemic arises And everyone stays at home For some it's a meditation For others...

 
 
 

Comments


©2018 Glenda Pedronan
Proudly created with Wix.com

© Copyright
bottom of page